- Lyrics
- Album list
- Singer Intro
Gloc-9( Aristotle Pollisco )
-
Silup
[Featuring:Denise Barbacena]
[Chorus:Denise Barbacena] Mamang pulis… Pwede ba akong humingi sa inyo ng tulong Dahil ako ay nadukutan Mamang pulis… Pwede ba akong humingi sa inyo ng saklolo Upang hindi ako malapastangan (Lapastangan... lapastangan… lapastangan…)
[1st Verse: Gloc-9] Ang pangalan ko ay SPO2 Ruben Di ako mukang pera kaya wag mo kong utuin Tsapa ko'y aking dangal, hindi mo to kayang bilhin Pero meron din namang parang tulog kahit gising Sa kapangyarihan ay lasing Budhi na tila maitim Kapag kailangan ay tawagan, pero bat kaya walang dumarating Eto merong dalawa na para bang walang pakialam Sa nagpapasimuno ng gulo Makikita mo sila na ginugulangan ang mga kumakalam Kasamaan na sagad sa buto Kaya pinipihit ko, pinipilit ko Na gawin ang mga nasa isip nyo Di lahat ng pulis ay may ugali na para bang sa dimonyo Pero biro nyo mga drogang nakulimbat silang bumabatak Kung sasalain ang lahat ng parak malamang marami ang latak Pero meron pa kayang mga matuwid,mga nakakabilib gumagawa ng mga tama Kasi madaming nakakatulig, malakas humilik parang mga sunog baga Teka muna tandaan mo 'to ako'y pulis na di corrupt Maraming ring katulad ko, marunong lang ako magrap
[Chorus: Denise Barbacena] Mamang pulis… Pwede ba akong humingi sa inyo ng tulong Dahil ako ay nadukutan Mamang pulis… Pwede ba akong humingi sa inyo ng saklolo Upang hindi ako malapastangan (Lapastangan... lapastangan… lapastangan…)
[2nd Verse: Gloc-9] Sangkot sa kotong at jueteng Isang tiwaling hepeng Laging nagpapalusot, kung may padulas at may pwedeng Maibulsa ang maereng parak na parang buteteng Laot ano na bang nangyari dun sa Kuratong Baleleng? Laging patay na ang bida Bago lumabas sa eksena Kapag tinanong ng reporter ay iisa lamang ang linya Merong iba na sa T.V ay tila nagpapatawa Kulang na lamang ay sumigaw ng 'Napaliligiran na kita!' Mga taong nagugulangan ay hindi mo na mabilang Paltik man o kwarenta isingko sa mga bewang Ang gamit upang hindi ipagtanggol ang maliit Bagkos ay nakatutok sa pagitan ng mga matang nakapikit Perang kinurakot nyo sa mga bakod nyo dala mo, nasan ang mga takot nyo? Ga'no na kakapal ang putik na dumungis sa mga pagkatao nyo? Meron pa kayang mga ilang pulis na di corrupt? Silang mga katulad ko, marunong lang ako magrap
[Chorus: Denise Barbacena] Mamang pulis… Pwede ba akong humingi sa inyo ng tulong Dahil ako ay nadukutan Mamang pulis… Pwede ba akong humingi sa inyo ng saklolo Upang hindi ako malapastangan (Lapastangan... lapastangan… lapastangan…)
[Gloc-9:] Ang pangalan ko ay SPO2 Ruben Di ako mukang pera kaya wag mo kong utuin Ang tsapa ko'y aking dangal, hindi mo to kayang bilhin Kahit ang pasweldo sa amin ay ilang pisong duling (pisong duling)

|